GMA Logo medwin marfil
Source: truefaithmusic/IG
Celebrity Life

Medwin Marfil, nagpaalam sa True Faith bago nagpakasal

By Kristian Eric Javier
Published June 7, 2024 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH defends bid to restore budget: Lower material costs, no projects to bring back
Palompon, Leyte cop found positive for shabu faces dismissal
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

medwin marfil


Medwin Marfil: "I told the guys this is just temporary."

Hindi naging madali para kay Medwin Marfil at Mark Angeles ang magpakasal dahil parte ng sikat na bandang True Faith ang una. Ayon sa band vocalist, kinailangan niyang magpaalam sa banda bago magpakasal.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Mark na ilang beses nilang pinag-usapan ni Medwin kung ano ang gagawin nila moving forward. Dahil nakabase siya sa Amerika at nasa Pilipinas naman ang career ng kaniyang kapareha, marami silang naging challenges na kailangan i-consider.

“Hindi naman siya puwedeng mag-decide right away because marami nakasalalay sa kanya, because hindi siya solo, one man band. So, we need to consider yung papaano yung mga miyembro ng True Faith,” sabi niya.

Mahaba raw ang naging proseso at maraming pag-uusap ang nangyari sa pagitan nina Medwin at Mark. Sa huli, inalok ni Mark si Medwin na bumalik sa Amerika para makita nila kung papano ang magiging sitwasyon.

Sabi ni Mark, “And then sabi ko, uwi ako ng Manila, kung gusto mo pagbalik ko sumama ka sa akin and then, you can hang out here muna. Kasi parang sabi ko nga, one more time let's check it out and see kung talagang okay, kung long term tayo.”

Bago pa bumalik si Medwin noong April sa Pilipinas, nag-usap na umano sila at nagdesisyon na mag-move forward na sa kanilang relasyon.

Aniya, “Tutal, mukhang okay ang banda na mag-break muna sandali. Tapos mukhang okay na rin tayo, ready na tayo. So let's just bite the bullet. Let's do it.”

BALIKAN ANG MOST INSPIRING LGBTQIA+ COUPLES SA GALLERY NA ITO:

Sabi naman ni Medwin, bukod sa back and forth siya sa Pilipinas at sa U.S., isa ring dahilan kaya tumagal ng tatlong taon bago sila ikasal ni Mark ay 'yung sacrifice, big decision, at adjustment na gagawin niya.

Dagdag nito ay ang paghinto muna niya sa bandang True Faith.

“So, it took a while and I had to like unti-unti kung inano sa bandmates ko na I already have this relationship. Parang one of these days, I'm gonna have to go back there and stay for a lengthier time and then... Yeah, and get married and fix my personal life,” kuwento niya.

Pagpapatuloy ni Medwin, hindi agad natanggap ng banda ang kaniyang desisyon, lalo na at ayaw rin niyang iwanan na lang basta ang banda.

Sa ngayon, kahit pa naka-pause ngayon ang banda nila, pwede naman siyang bumalik doon at mag gig, o kaya naman ay pumunta ang True Faith sa U.S. at doon mag-perform.

“But I told the guys this is just temporary as soon as everything is in place dito sa San Francisco with me and Mark. Pagbabalikan lang, babalik-balik lang din,” sabi niya.

Pakinggan ang part two ng interview ni Medwin dito: