
Ine-embrace na Kapuso actress and beauty queen Megan Young ang pagiging isang ina.
Matatandaang isinilang ni Megan nito lang nakaraang May si Leon, ang first baby nila ng asawa at kapwa Kapuso star na si Mikael Daez.
Marami raw ang naging pagbabago sa kanyang katawan at kalusugan kaya nagbago rin ang definition niya ng strength at beauty.
"I guess now I'm really embracing my stretch marks, the weight gain. I'm embracing how my body acts, looks different, and feels," pahayag ni Megan.
Isa raw sa paborito niyang routine ay ang pagpapaligo sa kanilang baby boy.
"Si Leon, pinapaliguan namin siya ng mga 5 or 6 p.m. and then we start the night routine para fresh na siya. I realy like that, parang easing into bedtime," kuwento ni Megan.
Photo: mikaeldaez, meganbata (Instagram)
Hudyat na rin daw ito ng oras nila ni Mikael para sa mga sarili at bilang mag-asawa.
"Once na napatulog na namin [si Leon], 'yun na 'yung parang couple time na namin ni Mikael. We really sit down, catch a little bit up on work na sabay kami, we watch a show or anime that just came out," paliwanag niya.
Masaya si Megan na very supportive si Mikael sa kanya lalo na matapos niyang manganak.
"Gusto niya na 'Okay I want you to enjoy taking care of Leon but I want you to enjoy that habang inaalagaan mo 'yung sarili mo. Do things that you want to do. Go out, go do your workout, go shopping if you want,'" bahagi niya sa nais ng asawa para sa kanya.
Mahalaga para kay Megan ang suporta ni Mikael kaya aminado siyang nangamba siya nang ma-injure ito.
Matatandaang na-injure ang Achilles tendon ni Mikael at kinailangan itong operahan. Kasalaukuyan siyang nagpapagaling at kailangang gumamit ng mga saklay.
"Unang pumasok sa isip ko na, okay lang ba siya, is he fine? May mangyayari ba sa kanya, gaano kalala 'yung injury niya. Pangalawa doon, sino'ng tutulong sa akin mag-alaga ng baby?" paggunita ni Megan.
Ito raw ang nakita niyang pagkakataon para suklian ang suportang ibinibigay sa kanya ni Mikael.
"We talked about it and I said na at the end of the day, I'm here to support you. I'm here to help you na gumaling ka sa injury na 'to para sabay na kayo maglakad ni Leon," aniya.
SILIPIN ANG PINAKA ADORABLE MOMENTS NINA MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ KASAMA SI BABY LEON DITO:
Panoorin din ang buong panayam ni Athena Imperial kay Megan Young para sa 24 Oras sa video sa itaas.