GMA Logo Megan Young, Mikael Daez
What's on TV

Megan Young, sasalang na co-host ni Mikael Daez sa 'The Best Ka!'

By Beatrice Pinlac
Published February 15, 2022 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCTA survey: Filipinos back increased military presence in West Philippine Sea
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Megan Young, Mikael Daez


Confirmed, mga best! Bibida na sa unang episode ng 'The Best Ka!' ang mag-asawang sina Mikael Daez at Megan Young.

All set na sina Mikael Daez at Megan Young para sa unang episode ng The Best Ka! kung saan tatampok ang mga nakamamanghang kuwento mula sa Guinness World Records.

“Ang co-host ko for episode one is none other than my wife…I'm super excited…In terms of the show, sobrang enjoy. I think iyon 'yong mararamdaman ng mga Kapuso natin na manonood ng first episode. Sobrang enjoy namin because we haven't done this in a really long time. Lahat ng energy namin na naipon over the past one and a half or two years, doon na namin nilabas sa first episode,” pahayag ni Mikael sa isang media conference para sa The Best Ka!


Buong puso naman na ipinahatid ni Megan ang kaniyang suporta para sa bagong proyekto ng kaniyang asawa, lalo na dahil ito ang unang full show ni Mikael bilang isang ganap na Kapuso host.

“So excited to join you for your newest show on GMA. I'm so proud of you,” ani Megan.

Ngayong ika-20 ng Pebrero, samahan sina Mikael at Megan sa kanilang pagtuklas ng mga kuwentong “Best of the Best” sa Pilipinas at sa buong mundo. Abangan ang The Best Ka! tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.