
Sumama na rin sa fantasy adventure ang mga ilang Kapuso news personalities sa special block screening ng Firefly noong December 28. In full force at present ang 24 Oras news anchor na si Mel Tiangco at mga Kapuso reporters na sina Mariz Umali, Raffy Tima, Sandra Aguinaldo, Oscar Oida, at Tina Panganiban-Perez.
Nandoon rin ang mga showbiz news reporters na sina Nelson Canlas, Aubrey Carampel, at Lhar Santiago.
Kasama rin ang kanilang mga pamilya, naantig ang kanilang puso sa napakagandang istorya ng pelikula at napahanga rin sa makulay at magarang cinematography.
Sa kaniyang Instagram post, pinakita ng GMA news anchor na si Sandra Aguinaldo ang kanilang mga litrato sa block screening. Sinabi niya "Nakisama sa paglalakbay ng mga karakter sa pelikulang Firefly hanggang sa matunton ang mga alitaptap."
Nag-post rin si Tina Panganiban-Perez kasama ang caption na "Maganda ang pagkakalatag ng kuwento. Tahing-tahi ang lahat ng elements. May makadurog-pusong moments pero for the record, hindi ako naiyak. Binabantayan ko rin kasi kung iiyak yung mga usual iyakin."
Nagandahan rin sa pelikula ang showbiz reporter na si Nelson Canlas kaya't napalagay siya ng salitang "Winner" sa kaniyang Instagram story.
Source: @nelsoncanlas IG
Totoong winner ng naman ang Firefly dahil wagi ito bilang Best Pictures at Best Screenplay sa "Gabi ng Parangal ng 49th Metro Manila Film Festival" noong December 27.
Kasama sa pelikula ang Kapuso stars na sina Alessandra de Rossi, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Epi Quizon, Cherry Pie Picache, at nanalong Best Child Performer na si Euwenn Mikaell.
Mapapanood pa rin ang Firefly sa lahat ng sinehan sa buong bansa bilang parte ng "Metro Manila Film Festival."