
Sinagot ni Melanie Marquez ang tanong kung ano ang pinakamasakit na intriga na kaniyang naharap sa kaniyang career.
Sa Sarap, 'Di Ba? sumalang sa hot seat si Melanie para sagutin ang tanong na, "Ano ang pinakamasakit na pangdya-judge sa pagkatao mo na narinig sa pagkatao mo?"
Diretso sa pagsagot si Melanie. Ani Melanie, "Ang pinakamasakit talaga na nag-react ako ay natulog ako sa mga judge kaya ako nanalo ako ng Miss International."
Si Melanie ay kinoronahan na Miss International 1979.
Pagpapatuloy ni Melanie, nagtrabaho siya para sa korona kaya "hitting below the belt" daw ang issue na ito.
"Well in fact, mga judge, mga conservative old ladies. So sabi ko, ako na ang nagtrabaho nang maigi, binigyan ko na ng honor ang country natin, just to get my attention hitting below the belt and that is a no-no."
Ayon pa sa beauty queen at aktres, nag-aral pa siya ng Japanese bago ang pageant. Ginanap ang Miss International pageant sa Japan noong 1979.
"Hindi nila alam nag-aral pa ako niyan ng Japanese kasi nga alam ko noong pinag-aralan ko ang kultura nila, very nationalistic sila."
Dugtong pa ni Melanie, "So I need to learn their language at least to let them know na that I am really pleased. Ganoon dapat lagi nakahanda ang beauty queen."
Panoorin ang kuwento ni Melanie dito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG MEMORABLE QUOTES NI MELANIE MARQUEZ DITO: