GMA Logo Melissa Mendez
Celebrity Life

Melissa Mendez, inaming magulo ang mga naging relasyon noon

By Kristine Kang
Published November 7, 2024 5:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Melissa Mendez


Melissa Mendez sa kanyang nakaraan, "Hindi ko na-experience 'yung contentment tapos parang laging magulo."

Marami ang humanga sa tapang at katapatan ni Melissa Mendez nang buong puso niyang ibinunyag ang madilim na bahagi ng kanyang nakaraan--ang kanyang bayolenteng ugali at asal sa kanyang dating mga relasyon.

Sa isang panayam kay Morly Alinio, inamin ng aktres na palaging magulo ang kanyang mga naging relasyon na tila puno ng pananakit at away. Dahil dito, hindi madalas nagtatagal ang kanilang samahan.

"Hindi ko na-experience 'yung contentment tapos parang laging magulo. Parang binabagyo 'yung relasyon lalo na du'n sa (tatay ng) panganay kong anak, sobrang turbulent 'yung relationship ko sa kanya na talagang sinasaktan ko siya physically, parang wala nang respeto. Kapag sinaktan mo physically, parang wala ka nang respeto," pahayag niya.

Inamin din ni Melissa na siya'y immature at hindi pa niya kilala ang Diyos noon. "I was very immature at that time because I was only 19 years old… So as we grow older, we get to be different, nagma-mature tayo, nagme-mellow tayo sa mga ugali natin. Tapos especially we get to meet the Lord, we get to know the Lord as our Lord and savior. Siyempre nahihiya ka nang gumawa ng mali, lalong-lalo na 'yung pananakit is very wrong," dagdag niya.

Sa usapang pananakit, matapang na ibinunyag ng aktres na siya mismo ang umaabuso sa kanyang mga dating karelasyon. Madalas daw siya nangangagat o kaya'y sinusuntok ang mga ito. Dalawang beses pa raw na kinailangan pang magpaturok ng anti-rabies ang kanyang mga partner dahil namaga ang kanilang mga braso at nilagnat dahil sa kagat.

Matindi rin ang pagiging selosa ng aktres noon kaya't nagiging bayolente siya sa kanyang mga partner. "'Pag nagselos ako bigla na lang akong tatahimik tapos mag-e-explain ng mag-e-explain ayoko nu'n. Du'n ako nagagalit, napo-provoke ako, nagiging bayolente ako," paliwanag niya.
Nang tanungin siya kung meron bang naging karelasyon na pumatol sa kanya, laking pasasalamat daw niya na, "Never. I was never hurt physically by any man in my life."

Ngayon na mas malapit na siya sa Diyos, pinagsisihan daw ni Melissa ang mga ginawa niya noon at natuto na ayusin ang kanyang masamang ugali.

"Maling-mali 'yung maging bayolente, 'yung pagiging selosa dapat nasa lugar. Pero hindi ko pinagsisihan ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko kasi all the experiences that I have gone through, I would not be who I am now. I would not be as strong as I am, as peaceful as I am, as content as I am," sabi niya.

Panoorin ang panayam ni Melissa Mendez, dito: