GMA Logo Mema Squad Anthony Rosaldo and Mariane Osabel
What's on TV

Mema Squad, na-threaten kina Anthony Rosaldo at Mariane Osabel?

By Dianne Mariano
Published May 4, 2022 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Legendary fashion designer Valentino Garavani passes away
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mema Squad Anthony Rosaldo and Mariane Osabel


Matapos ang singing performance nina 'The Clash' alumni Anthony Rosaldo at Mariane Osabel, na-threaten daw ang Mema Squad? Balikan ang May 1 episode ng 'TBATS' dito.

Ipinamalas nina The Clash Season 4 grand champion Mariane Osabel at Season 1 finalist Anthony Rosaldo ang kanilang vocal talents sa episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo (May 1).

Sinimulan nina Mariane at Anthony ang TBATS sa pamamagitan ng pag-awit ng sikat na kantang “Sana Maulit Muli.” Matapos ito, tila na-threaten daw ang Mema Squad na sina Jennie Gabriel, John Vic De Guzman, Pepita Curtis, at Ian Red sa mga singer tulad nina Mariane at Anthony.

Sumabak naman ang dalawang Kapuso singers at Mema Squad sa isang nakatutuwang sing-off, kung saan inawit nila ang mga sikat na kanta noong '70s hanggang 2020s.

Dito, kinanta ni Anthony ang hit track ng bandang Queen na “Bohemian Rhapsody” at inawit naman ni Mariane ang “Stone Cold” ng American singer na si Demi Lovato.

Bukod dito, sumalang sa isang riot edition ng “Don't English Me” sina NCAA courtside reporters Lance Santiago at Aya De Quiroz. Bago nagsimula ang laro, nagbigay muna ng sample sina Lance at Aya ng kanilang pagre-report kasama ang fun-tastic duo.

Para sa mas marami pang kwentuhan at non-stop tawanan, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.