GMA Logo Xonara
Photo source: @officialxonara
What's Hot

Member photos ng girl group na Xonara, inilabas na

By Ron Lim
Published May 13, 2026 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NGCP: Rotating brownouts implemented as red, yellow alerts raised over Luzon grid
Megan Young and Mikael Daez share changes in traveling as son Leon joins them
Red, yellow alerts raised for Visayas Grid on May 13, 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Xonara


Opisyal na magde-debut ang Xonara ngayong May 16 sa event na Xonara's World na gaganapin sa Escolta Street.

Patuloy na lumalawak ang P-pop industry pagkatapos ilabas ng 1Z Entertainment, ang kompanya na itinatag ng P-pop royalty SB19, ang unang mga member photos ng una nitong girl group, Xonara.

Makikita sa official account ng Xonara ang group at individual photo ng mga members, pati na rin ang isang posters para sa Xonara's World, isang event na magaganap sa Linggo, May 16, mula 12 noon hanggang 10 p.m., sa Escolta Street.

Binubuo ang grupo ng pitong members na sila Eurekah, Tin, Dominique, Ella, Namie, Lei, Dominique, at Megumi. Unang nagpakita sa publiko ang Xonara noong Abril sa Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale ng SB19. Noong concert ay nagpasalamat si group member Eurekah sa mga manonood.

"Maraming, maraming salamat po sa mainit po na pagtanggap sa amin ngayong gabi. Kung alam n'yo lang po kung gano kami ka-grateful at ka-blessed po na makatuntong po sa ganitong stage kasi dati nandyan lang naman ako, nangangarap lang naman din kami. So maraming salamat po," saad niya.

Unang sinabi ng 1Z Entertainment na bubuo sila ng girl group noong 2024, pagkatapos nilang buksan ang kanilang pinto mga female trainees. Noong Enero nitong taon ay naghahanap pa rin ng mga aspiring P-pop stars ang kompanya.

Sa isang interview interview kausap ang GMANetwork.com, sinabi ni 1Z Entertainment Chief Executive Officer (CEO) Pablo Nase at Chief Operating Officer Yani de Dios kung ano ang hinahanap nila sa mga aspiring trainees at kung ano ang maibibigay nila bilang isang kompanya.

Ayon kay Yani, kailangan ang skills sa singing, dancing, at rapping, pero ang isa pang importanteng bagay na hinahanap ng 1Z ay ang kanilang openness na matuto.

“We're really looking at the willingness of these individuals to learn and also the innate talent that we have. We want to really unleash the potential na meron sila,” sabi ni Yani. “It's very difficult to identify so as long as we can see the willingness to learn, we'll help them and assist them to unlock the potential that we see.”

Ayon kay Pablo, maaari namang ituro ang mga skills na kakailanganin ng mga trainees.

“Everything else kasi naman, all the skills, lahat 'yan matututunan. If we see something special sa person na 'yun, whether it'll be singing or kahit wala dun sa pinakitang need namin sa trainee, it's something we can work with,” paliwanag niya.