GMA Logo Mercedes Cabral, Cheska Fausto
PHOTO COURTESY: Michael Paunlagui
What's on TV

Mercedes Cabral, pinuri ang onscreen daughter sa 'Hating Kapatid' na si Cheska Fausto

By Dianne Mariano
Published March 16, 2026 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LRT-2 to suspend ops from Maundy Thursday to Easter Sunday
One Western Visayas: March 16, 2026 | Livestream
BTS drops 'SWIM' clues on music streaming platform

Article Inside Page


Showbiz News

Mercedes Cabral, Cheska Fausto


Ayon kay Mercedes Cabral, isa sa paborito niyang ka-eksena sa 'Hating Kapatid' ay ang Sparkle star na si Cheska Fausto.

Natutuwa ang aktres na si Mercedes Cabral sa kanyang Hating Kapatid co-star na si Cheska Fausto dahil sa husay nito sa pag-arte.

Sa nasabing afternoon drama series, gumaganap si Mercedes bilang Melania habang si Cheska naman ay ginagampanan ang role bilang Tally, ang tunay na anak ng karakter ng una.

Sa pagbisita ni Mercedes sa Kapuso morning show na Unang Hirit ngayong Lunes (March 16), nagkuwento ang aktres tungkol sa kanyang experience na makatrabaho ang Sparkle star at pinuri ang husay nito sa acting.

Ayon pa sa kanya, isa si Cheska sa mga paborito niyang kaeksena sa show.

"Nagulat ako kay Cheska kasi it's my first time to work with her. Ang galing niya, ang husay niya. Sa lahat ng cast, sa kanya ako nagkaroon talaga ng connection din which is kasi mag-nanay kami.

"Nakakatuwa kasi nakikita ko sa kanya 'yung interest niya and 'yung hilig niya sa acting. So ang dami naming pinag-uusapan about acting. Isa siya sa paborito ko na kaeksena talaga, sa totoo lang," kuwento niya.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Mercedes ang kuwento sa likod ng matinding eksena nila ni Carmina Villarroel, kung saan sila ay nagkaroon ng away sa burol ni Darius (Leandro Baldemor) at ginamit ang bamboos bilang espada.

Kwento ni Mercedes, na-enjoy niyang katrabaho si Carmina dahil sa pagiging propesyonal nito.

"Well nung nabasa ko 'yung script tas nakita ko siya, 'wow, this is something really different.' Hindi ko pa nagagawa 'yung gano'n, makipag-espadahan gamit 'yung bamboo.

"Ang na-appreciate ko naman sa kanya, it's very telenovela. And I enjoy working with Ms. Carmina kasi very professional and very, alam mo 'yon, ready talaga, and of course, Ms. Glenda talaga. Magagaling 'yung directors namin and lahat binibigay na sa amin. Kung ano 'yung kailangan, we just have to act," pagbabahagi niya.



Subaybayan ang finale week ng Hating Kapatid, Martes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, TIGNAN ANG FUN OFF-CAM MOMENTS NG 'HATING KAPATID CAST SA GALLERY NA ITO.