GMA Logo Meryll Soriano
PHOTO COURTESY: @meryllsoriano (Instagram)
What's Hot

Meryll Soriano expresses her voice through film

By Dianne Mariano
Published August 29, 2026 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ginang, nakaramdam ng lukso ng dugo sa batang humila sa kanya mula sa kaguluhan? (Part 4/8) | Tadhana
The Young Achievers Podcast: Abi Marquez and her love for food
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Meryll Soriano


“Doon ako nagkakaroon ng space to have a say,” ani ng 'Delivery Boi' actress na si Meryll Soriano sa interview niya kay Karen Davila.

Nakapanayam ng seasoned broadcast journalist na si Karen Davila ang premyadong aktres sa Meryll Soriano sa kaniyang latest YouTube vlog.

Kabilang sa mga napag-usapan ng dalawa ay ang Cinemalaya film ni Meryll na 2 Valid IDs kung saan nakasama niya ang Sparkle star na si Pokwang. Sa naturang interview, ikinuwento ng celebrity mom ang dahilan sa pagtanggap niya ng proyekto.

READ: Meryll Soriano shows behind the scenes of '2 Valid IDs'

“Because it's the story of the Filipinos. It follows Sylvia and Ramon, mag-asawa po silang farmers. Nagkasakit po si Ramon, kailangan po niyang pumunta sa Maynila para magpagamot. So siyempre, nasa public hospital sila.

“Ipapakita ng pelikula 'yung kalagayan ng ating mamamayan na naghihirap dahil walang gamot, walang money, para magpunta sa semi-private hospital man lang, wala. The chances of you getting better is very slim,” pagbabahagi niya.

Nakatanggap ng papuri mula sa mga manonood ang 2 Valid IDs at para kay Meryll, ito ay dahil sa naniniwala ang buong team sa pelikula.

“I think pare-parehas kasi kami—director, writer, producers—we believe in the film. The message and the story, and that story must be heard. So it's inspired from true events nung writer, na na-experience niya sa nanay niya when nagpapagamot siya sa nanay niya, and kung gaano ka-broken ang ating sistema,” kwento pa niya.

Ayon pa kay Meryll, naipapahayag niya ang kaniyang boses sa pamamagitan ng pelikula.

Aniya, “Feeling ko 'yung boses ko bilang isang tao is through my films. So doon ako nagkakaroon ng space to have a say.”

Bukod dito, nais niyang gumawa ng pelikula tungkol sa postpartum psychosis. Ibinahagi rin niya ang rason kung bakit ito ang kanyang gustong gawing pelikula.

“Nagulat ako dahil medyo sinasantabi ko na po 'yang project na 'yan. And then the Lindsay Clark in the US happened. Sabi ko, 'Oh my God. It's a sign,'” ani ni Meryll.

Dagdag pa niya, “Hindi 'yun point of conversation here sa Philippines because first hindi nga natin napapansin 'yung postpartum depression because we're very clannish. Tribal tayo as a culture, as people. So there's always somebody that will take care of your kid kapag kailangan mo na magtrabaho. So meron kang lola, may kapitbahay ka. Dahil diyan, hindi mo na nakikita na you're suffering from something.”

Samantala, kabilang si Meryll Soriano sa upcoming Kapuso series na Delivery Boi.

READ: Meryll Soriano, excited para sa upcoming Kapuso serye na 'Delivery Boi'

Related gallery: Meryll Soriano's modern family