GMA Logo cosme family
Image Source: boy2quizon_ (Instagram)
What's Hot

Mga anak-anakan ni Dolphy, nagsasama-samang muli

By Nherz Almo
Published July 3, 2023 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

cosme family


“Tatay Dolphy must be so happy seeing all of us together,” Claudine Barretto on her reunion with former co-actors.

Nagbalik sa nakaraan ang mga batang '90s na nakakita ng reunion photos ng mga anak-anakan noon ng yumaong Comedy King na si Dolphy--sina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Vandolph Quizon, Maybelyn dela Cruz, at Boy 2 Quizon.

Sa Instagram posts ni Claudine, makikita ang larawan ng mga "kapatid" niya noon sa sitcom na Home Along da Riles.

Aniya, isa itong “biglaang reunion.” Dagdag pa niya sa kaniyang caption, “Tatay Dolphy must be so happy seeing all of us together.”

Nag-post din ng kanilang masayang group photo si Gio sa kaniyang Instagram account.

A post shared by Gio Alvarez (@gio__alvarez)

Isang group photo rin ang ibinahagi ni Maybelyn sa kaniyang Instagram followers, na ginamitan pa niya ng #MgaAnakNiKevinAtAzon. Sina Kevin at Azon ay mga karakter na ginampanan noon nina Dolphy at Nova Villa sa nabanggit na sitcom.

A post shared by Maybelyn dela Cruz - Fernandez (@maybelyndelacruz)

Habang ang pinakabata nilang “kapatid” na si Vandolph ay biglang na-miss ang kaniyang Tatay Kevin, na tatay niya rin sa tunay na buhay.

A post shared by Maybelyn dela Cruz - Fernandez (@maybelyndelacruz)

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz ang mga anak-anakan ni Dolphy.

Si Smokey Manaloto ay napanood sa GMA Afternoon Prime bilang tatay ng mga magkakatid na sina Celine, Chynna, at Carrie sa Underage.

Habang si Gio naman ay naging tatay ni Sofia Pablo sa TV adaptation ng Wattpad series na Luv Is: Caught in His Arms.

Matagal nawala sa showbiz si Maybelyn ngunit nagbalik ito kamakailan sa pamamagitan ng Unica Hija.

Si Boy 2 naman ay kasalukuyang napapanood sa The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, BUKOD KAY DOLPHY, NARITO ANG ILANG KILALANG KOMEDYANTENG PUMANAW NA: