
Ngayong National Heroes' Day, isang espesyal na tribute sa mga haligi ng Philippine cinema ang mapapanood sa Family Feud!
Ngayong Lunes, August 31, walong celebrity heirs ang magpapakita ng kanilang husay sa survey-guessing skills sa Family Feud. Maglalaban sa The Legacy League at The Heir Force ang mga anak ng ilang legendary showbiz icons.
Pinangungunahan ang The Legacy League ng dating child star, multi-awarded actress, at vlogger na si Snooky Serna, anak ng mga screen icons na sina Mila Ocampo at Von Serna.
Kasama niya sa Family Feud stage ang news anchor at singer-actress, at anak ng beteranong aktor na si Joseph de Cordova na si Louella de Cordova; si Ronald Bregendahl na isang balikbayan actor at anak ng mga cinema legend na sina Rita Gomez at Ric Rodrigo; at si Mike Vergel, anak ng acclaimed actress na si Alicia Vergel, at kapatid ng mga artistang sina Ace Vergel at Beverly Vergel.
Samantala, makakaharap nila ang The Heir Force na pinamumunuan ng actress, producer, at marketing executive na si Suzette Ranillo. Si Suzette ay anak ng Cebuano showbiz icons na sina Gloria Sevilla at Mat Ranillo Jr.
Makakasama niya sa team sina Maritess Gutierrez, professional chef at band vocalist, at nag-iisang anak ng screen royalty na sina Gloria Romero at Juancho Gutierrez. Kabilang din sa The Heir Force si Ana Ylagan na isang TV commercial director, producer, at OPM Friends manager. Anak siya ng industry figures na sina Robert Arevalo at Barbara Perez; at si Ana Feleo, ang head acting coach ng Sparkle GMA Artist Center at anak ng character actor na si Johnny Delgado at acclaimed director-actress na si Laurice Guillen.
Sino kaya ang mananaig? Alamin ito sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 31, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.