GMA Logo Mga Batang Riles
What's on TV

Mga Batang Riles: Kidlat at Matos, nag-bardagulan na sa Sitio Liwanag

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 20, 2025 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles


Nagtuos na ang mortal na magkaaway na sina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Matos (Bruce Roeland) sa Sitio Liwanag!

Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, nagtuos na ang mortal na magkaaway na sina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Matos (Bruce Roeland) sa Sitio Liwanag matapos magsimula ng sunog si Matos sa riles.

Habang nagtutuos sina Kidlat at Matos, hinarap muli ni Yani (Ronnie Ricketts) si Vergel (Ian Ignacio) na nakabangga niya rin noon sa juvenile center kung saan namalagi ang mga batang riles.

Humingi na rin ng tawad si Rendon (Jay Manalo) kay Ima Hana (Eva Darren) dahil sa kanyang mga kasalanan noon at sa ginagawa ni Matos na siyang nagpalaki.

Sino kaya ang mananalo sa paghaharap nina Kidlat at Matos? Mailigtas kaya ng Mga Batang Riles ang buong Sitio Liwanag?

Tutukan ang huling barkadagulan sa Mga Batang Riles mamayang 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.