GMA Logo Youre My Favorite Song lead cast
Source: gmapublicaffairs (IG)
What's on TV

Mga bida ng 'You're My Favorite Song,' excited at grateful bago ang world premiere ng serye

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 18, 2026 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After losing phone, Myrtle Sarrosa gives advice on securing devices
Usa ka Tricycle nga Nagparking sa Olango Island, Nasunog | Balitang Bisdak
Anne Curtis's outfits in Shanghai are effortlessly chic

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song lead cast


Puno ng pasasalamat ang mga bida ng upcoming series na 'You're My Favorite Song.'

Sa isang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, nagpahayag ng kani-kanilang pasasalamat ang lead stars ng Kapuso romance-drama series sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song bago ang nalalapit nitong pag-ere sa telebisyon.

Ibinahagi nina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano ang kanilang mga nararamdaman at kung gaano sila nagpapasalamat para sa pagkakataong itong bibida sila sa kauna-unahang pagkakataon sa isang serye.

Ayon kay Caprice, nagpapasalamat siya sa walang humpay na suportang kanilang natatanggap magmula pa lamang sa kanilang pagpasok at paglabas sa PBB Celebrity Collab 2.0 hanggang sa panibagong yugtong ito sa kanilang career.

Inialay pa niya sa kanilang mga masugid na mga tagahanga ang upcoming series na You're My Favorite Song.

“Nagpapasalamat po kami. Eversince na lumabas po kami ng Bahay ni Kuya, grabe po 'yung love at suporta po na binibigay sa amin kaya maraming salamat po sa solids and ships sa inyo. Ang You're My Favorite Song ay para po sa inyo,” ani Caprice.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Heath sa pagkakabilang sa seryeng ito na aniya'y isang daan upang magbigay ng aral para mga kabataang manonood na katulad nila.

“Ako po, napaka-thankful ko po na binigyan po kami ng opportunity na ganito and since it's youth-oriented show din, we can parang help na maka-relate din po 'yung younger audience with us,” pahayag ni Heath.

Inamin naman ni Marco na nakakaramdam sila ng “good” pressure sa kanilang pagbuo ng You're My Favorite Song dahil aniya'y magsisilbi silang mga ehemplo sa kabataan sa tulong ng mga aral na hatid ng kanilang serye.

“Of course, there's pressure, pero it's good pressure kasi kami naman po talaga, parang tina-try namin 'yung best namin to set a good example sa generation namin. I'm just excited,” sabi ni Marco.

Ipinahayag naman ni Clifford na labis silang nasasabik ng kaniyang co-stars na mapanood na ng mga manonood ang kanilang mga bibigyang-buhay na mga karakter sa kanilang pinaghandaang serye sa darating na pag-ere nito sa June 22 sa GMA Afternoon Prime.

“Like what they said po, we're just as excited as the viewers din po. If the viewers are so excited, we are very excited to watch our characters come into life sa June 22 po, Tito Boy,” ani Clifford.

Sa parehong panayam din ibinahagi ng apat ang kani-kanilang mga natuklasang bago sa isa't isa sa kanilang pagsasama-sama sa isang proyekto sa telebisyon.

Ayon kay Clifford, nakilala niya ng personal ang mga kaibigang sina Heath, Marco, at Caprice sa loob ng Bahay ni Kuya, ngunit mas nakilala niya naman bilang mga propesyunal na katrabaho ang mga ito sa kanilang pagsabak sa pagbuo ng teleserye nang sama-sama.

“Para sa akin naman, Tito Boy, I got to discover their side as co-actors and as workmates. Kasi siyempre sa bahay ni Kuya, I got to know them for who they really are, like I got to know Marco for Marco, Heath for Heath, Caprice for Caprice. Personal,” pahayag ni Clifford.

“Pero dito naman, Tito Boy, I got to know them as workmates, as co-actors and nakikita ko po talaga, sobrang professional sila. When it comes to asaran, asaran. But when it comes na actors in na, talagang locked in na po talaga,” dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Marco na natuklasan niya kung gaano kapursigido ang mga kaibigan sa kanilang craft bilang mga artista.

“For me, na-discover ko kung gaano sila ka-passionate sa craft. Kumbaga since I've been in the industry for quite a while na, parang dito, mas bumabalik 'yung youthful energy dahil sila 'yung kasama ko,” ani Marco.

Ibinahagi naman ni Heath na marami siyang natutuhan mula sa kasama sa simpleng panonood at pag-obserba sa kanilang pag-arte para sa serye.

“Ako po, ang dami ko pong natututunan sa kanila and to learn tips from Marco, from Clifford, from Caprice just by watching them act, I'm really thankful to get to work with them,” sabi ni Heath.

Nadiskubre naman daw ni Caprice ang dedikasyon ng mga kapwa aktor sa kanilang larangang tinatahak. Pagbabahagi pa niya, alam nila ang pagiging “focused” pagdating sa trabaho.

“Nakita ko rin po kung gaano sila ka-dedicated lahat sa craft nila kasi may times po na nagkukulitan kami pero kapag actor's in na po talagang lahat po ready. Alam po nila 'yung mga lines nila and 'yung mga gagawin po nila. Focused po lahat,” ani Caprice.

Huwag palampasin ang You're My Favorite Song kung saan tampok sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano.

Kasama rin sa powerhouse cast na sina Waynona Collings, Lee Victor, Kairo Lazarte, Andrei Fajardo, Boboy Garrovillo, James Blanco, Katya Santos, at Wilma Doesnt. Sa direksyon ng premyadong direktor na si JP Habac.

Abangan ang You're My Favorite Song simula ngayong June 22, 4:00 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: You're My Favorite Song cast turn heads at media day