
Hindi lang sa TV ratings humahataw ang GMA drama na Nagbabagang Luha, maging sa social media rin.
Patunay diyan ang nag-uumapaw na views, likes, at shares ng ilang episodes ng pinag-uusapang serye sa hapon.
Isa na riyan ang highlights clip ng fake pregnancy ni Cielo, ginagampanan ni Claire Castro, na ipinalabas noong October 2.
Sa ngayon, mayroon na itong 3.3 million views sa official Facebook page ng GMA Network.
Maraming naiinis kay Cielo kaya naman entertaining para sa viewers ang mapanood ang agony ng pilya at rebeldeng dalaga.
Tulad na lamang ng highlights clip na ito na tila na-stress agad si Cielo nang hindi sagutin ni Alex, ginagampanan ni Rayver Cruz, ang tawag niya.
Sa ngayon, may 1.1 million views na ito sa official Facebook page ng GMA Network.
Kinikilala si Claire bilang bagong "Pantasya ng Bayan" ng Philippine showbiz dahil sa kanyang mga maiinit na tagpo sa Nagbabagang Luha.
Isa sa mga eksenang iyan ang pang-aakit ng karakter niyang si Cielo kay Alex habang nasa pool.
Desperada si Cielo na makakuha ng atensyon kaya maging ang kanyang brother-in-law ay pinagpapantasyahan niya.
As of writing, nakakuha ito ng mahigit 1.1 million views sa official YouTube channel ng GMA Network.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Nagbabagang Luha at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.