
Sunud-sunod na intense scenes ang natunghayan sa suspense collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.
Kamakailan lang ay binawian ng buhay si Monette, ang karakter ni Klarisse De Guzman na napahamak dahil sa kasamaan ni Sandro, ang role ng aktor na si Christian Vasquez sa serye.
Bago pumanaw si Monette, natunghayan na nalagay sa panganib ang karakter ni River Joseph na si Leon.
Sa previous episodes, ini-reveal ni Sandro (Christian Vasquez) na siya ang nasa likod ng pagpatay sa magkaibigang sina Michael (Gardo Versoza) at Frederico (Dominic Ochoa). Siya rin ang may sala sa sunud-sunod na pagkamatay sa serye.
Kasalukuyang nagtutulungan sina Gio (Brent Manalo), Kiko (Will Ashley), Martin (Ralph De Leon), at iba pang karakter sa serye para makumpleto ang mapa sa patuloy na paghahanap nila sa nakatagong kayamanan at para malutas na ang mga misteryo sa Hotel 88.
Huwag palampasin ang susunod pang mga kaganapan sa next episodes ng The Secrets of Hotel 88. Ipinapalabas ang collab series mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime. Napapanood na rin ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.
RELATED CONTENT: PBB collab ex-housemates reunite for The Secrets of Hotel 88