
Kilala siya bilang isang batikang aktor at senador, pero sino nga ba si Ramon Revilla Sr. sa mata ng mga taong malapit sa kanya?
Sa dokumentaryong Ramon nagtipon ang ilan sa kanyang mga kaibigan at nakatrabaho para magbigay pugay sa kanya.
"Siyempre fan ako eh. Pinupuntahan ko sa Sampaguita kasi ang guwapo," paggunita ni Lily Monterverde na kilalang film producer at matriarch ng Regal Films.
Nagbigay din ng pasasalamat ang aktor na si Robin Padilla na nakinabang sa batas na ipinasa ng senador para mabawasan ang sintensiya sa kasong illegal possession of fire arms.
"Siya po ang nagbukas sa akin ng pangalawang buhay," aniya.
Samatala, tinawag naman ni Epi Quizon na isang "legend" ang dating aktor.
"Sana ang hindi makalimutan that there was a time, legends created what the Philippine cinema is right now," sambit niya.
Kilalanin pa ng lubos si Ramon Revilla Sr. sa dokumentaryong Ramon na idinirehe ng kanyag apong si Bryan Revilla.
Tunghayan ito sa October 25, 9:00 PM sa GMA News TV.