What's Hot

Mga katutubo sa Rodriguez, Rizal, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published July 23, 2020 10:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
'American Pie' star Shannon Elizabeth joins OnlyFans
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation helps Rizal


600 pamilya, kabilang ang mga katutubong Dumagat Remontado, ang binigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal.

Nagsimula nang magtanim at mag-ani ng palay, iba't ibang gulay at saging ang ilang katutubong Dumagat Remontado sa Barangay Puray sa Rodriguez, Rizal.

Pero problema pa rin nila ang pagbyahe patungong bayan para maibenta ang kanilang ani.

Halos isang oras kasi ang layo nito at kailangan sumakay sa habal habal.

P700 naman kada biyaheng balikan ang presyo ng habal habal ngayon, na dati ay mahigit P100 lang.

Para matulungan ang mga residente sa anim na sitio sa Barangay Puray sa Rodriguez, Rizal, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng GCQ family packs para sa 600 pamilya na nakatira dito.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 80th Infantry Battalion at 2nd Infantry Divison ng Philippine Army.

Lubos naman ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa Gardenia Bakeries Inc. para sa kanilang mga donasyon.

Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.