GMA Logo The Lost Recipe
What's on TV

Mga linya sa 'The Lost Recipe,' patok sa viewers

By Maine Aquino
Published February 4, 2021 7:20 PM PHT
Updated February 5, 2021 9:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OVP gets P889M after bicam approval
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

The Lost Recipe


Alamin ang mga relatable na linya na tampok sa 'The Lost Recipe.'

Patuloy na nananalo sa panlasa ng Pinoy ang istorya pati na rin ang mga linya sa fantasy-romance series na The Lost Recipe.

Ilang netizens ang nagpahayag na nakaka-relate sila mga linyang binibitawan ng mga karakter na ginagampanan nina Mikee Quintos, Lucho Ayala, at Arny Ross.

Isa sa mga hinangaan ng mga manonood ay ang linya ni Apple Valencia, ang karakter na ginagampanan ni Mikee. Sa eksenang ito, maiisip niya si Harvey (Kelvin Miranda) habang binibitawan ang mga salitang ito.

"Ganon naman ang tao 'di ba? Wala naman talagang purong masama at purong mabait, Para 'yang sunset. Magkasamang liwanag at dilim."

The Lost Recipe

Photo source: The Lost Recipe
Ayon sa mga netizen, naantig sila sa linya ni Apple.

“Ang dami ko nang narinig na magagandang linya sa TLR na bihira lang sa mga PDrama. Mga linyang may depth, may substance at may meaning. Mga linyang magpapagana ng isip mo at at the same time, magpapalambot naman ng puso mo," ayon kay @guiguiron.


Si @esdtag363 ay nagsabing ramdam nila ang depth ng programa dahil sa linya.

“Maganda na yung mga linyahan nila. Esp. yung sinabi ni Apple tungkol sa sunset, ganun dapat, may depth, yung tipong mapapaisip ka at may mari-realize kang isang thought.”


Si @ishrellis ay umaasa umanong marami pang ganitong mga linya na maririnig sa The Lost Recipe.

“Ganda ng linyahan. I hope to see more of this sa mga susunod na eps.”


Marami namang nasaktan sa paghaharap nina Benedict (Lucho Ayala) at Brie (Arny Ross). Sina Benedict at Brie ay dating magkarelasyon na muling nagharap sa serye.


Saad ni @vjxmarked_, “yung mga linyahan talaga e.”


Marami namang nakaramdam ng sakit sa paghaharap nina Benedict at Brie sa comment section ng Facebook post ng The Lost Recipe.


The Lost Recipe

Photo source: Facebook

Ibinahagi naman ng team ng The Lost Recipe ang kabuuang script ng naging masakit na paghaharap nina Benedict at Brie.

The Lost Recipe

Photo source: The Lost Recipe
Abangan ang iba pang nakaka-relate na mga linya at exciting na kuwento ng The Lost Recipe, tuwing 8:00 p.m. sa GMA News TV.

RELATED CONTENT:

'The Lost Recipe,' patuloy na nagti-trend at nakakakuha ng magandang reviews

Mikee Quintos, puno ng pasasalamat sa mga sumusuporta ng 'The Lost Recipe'