GMA Logo Family Feud
What's on TV

Mga OG noontime show hosts, maglalaro sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published October 28, 2025 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga iconic hosts ng noontime shows noong '70s, '80s, and '90s na maglalaro ngayong October 28 sa 'Family Feud.'

Nostalgic treat ang hatid ng Family Feud ngayong Martes sa tapatan ng Holmann-Yulo at Team Rock & Rose.

Ngayong October 28, fun and laughter-filled showdown ang mapapanood kasama ang mga beloved '70s, '80s, and '90s hosts ng classic noontime shows.

Mula sa Team Hollmann-Yulo maglalaro si Chiqui Hollmann-Yulo, ang Filipino actress at institution sa television and radio hosting since 1970s. Makakasama niya sa Family Feud ang mga anak na sina Jason Hollmann na isang dive master at si Chino Hollmann-Yulo na isang sculptor na nage-exhibit sa Paris at Madrid. Kabilang din sa kanilang team ang pamangkin niyang si KC Hollmann na dating teen actress na isa na ngayong wife at mother na nagtatrabaho sa medical industry.

Ang aktres, funny host, at anak ng country's showbiz and public service icon na si Miss Rosa Rosal na si Toni Rose Gayda, ang maglalaro sa Team Rock & Rose. Kasama niya ang pamangkin at stand-up comedian na si Tim Fullen, ang singer at voice-over talent niyang kaibigan na si Randy Balaguer at ang kaibigan niyang retired teacher na si Arvin Aluyen.

Fun and entertaining Tuesday ang aabangan sa Family Feud ngayong October 28, 5:40 p.m. sa GMA

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: