
Masarap at healthy ang pagkain ngayong Nutrition Month sa Farm to Table!
Sa pinakabagong episode ng Farm to Table, maghahain si Chef JR Royol ng mga pagkaing packed with flavor and nutrition.
Isa sa kanyang ihahanda ay ang Chicken Teriyaki Rice Bowl na isang mabilis at balanced na meal prep idea. Tampok din ang Egg Tofu Sardines, isang budget-friendly at high-protein dish na perfect para sa mga gustong mag-recover pagkatapos mag-workout o naghahanap lang ng healthy na ulam.
Mas magiging masaya ang episode sa pagbisita ng comedy content creators at dating miyembro ng San Beda Red Corps Pep Squad na sina Tito Abdul at Tito Marsy. Bukod sa pagtuturo ng ilang basic cheerleading moves, ipapakita rin ni Tito Marsy kung paano niya niluluto ang kanyang espesyal na Sinigang na Boneless Bangus na may kakaibang fruity ingredient. Matutulungan kaya siya ni Tito Abdul na makuha ang tamang Pinoy flavor na gusto niyang ma-achieve?
Samantala, bibisita naman ang dating PBB housemate na si Waynona Collings sa isang cozy café para tikman ang iba't ibang kakaiba at creative na pagkain at inumin. Makikilala rin sa episode ang pinakabagong Kusin-Hero, isang apo na nagbukas ng kanyang kusina para sa riding community bilang pagpupugay at pasasalamat sa kanyang lola.
Masasarap na recipes, healthy food ideas, at inspiring na mga kuwento ang hatid ng Farm To Table. Panoorin ito sa Sabado (July 4), 4:45 p.m. sa GMA at sa Linggo (July 5), 7:00 p.m. sa GTV.