GMA Logo Family Feud Team Beki
What's on TV

Mga reyna ng comedy bars, first-ever winner ng jackpot prize sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles
Published March 25, 2022 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Team Beki


Tumataginting na PhP200,000 ang jackpot prize na napanalunan ng Team Beki sa 'Family Feud.'

May nanalo na ng jackpot prize na PhP200,000 sa pilot week pa lang ng game show na Family Feud sa GMA.

Nakuha ito ng Team Beki o mga reyna ng comedy bars na binubuo nina Petite, Pepay, Beki at Osang.

Nahulaan ng winning team ang mga sagot sa survey question na "Mga pagkain na inilalako sa daan."

Nabuo ni Pepay ang 217 points sa final round sa kanyang sagot na "sapin-sapin."

Napaluhod din sa saya ang game master na si Dingdong Dantes sa pagkapanalo ng Team Beki.

Sa episode na ito nakalaban ng mga komedyante ang Team Philippines na binubuo ng mga volleyball athletes na sina John Vic De Guzman, Joshua Retamar, Joshua Umandal at Jessie Lopez.

Samantala, makakatanggap din ng PhP20,000 ang chosen charity ng Team Beki.

Tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world class studio ng Family Feud sa gallery na ito: