GMA Logo Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia in Your Honor
What's on TV

Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia, may hirit sa producers na hindi naniwala sa 'SexBomb' concert

By Aedrianne Acar
Published February 1, 2026 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Lakers star Luka Doncic out indefinitely due to hamstring injury —report
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia in Your Honor


Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia, binalikan ang pagsubok na kanilang pinagdaanan para matuloy lang ang reunion concert ng SexBomb Girls.

Literal na ginapang ng SexBomb Girls na maging successful ang reunion concert nila na ngayon ay magkakaroon na ng 'Rawnd 5' sa February 8 na idadaos sa SM Mall of Asia Arena.

Nang humarap sina Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia sa session ng Your Honor nina Chariz Solomon at Buboy Villar nitong January 31, dinitalye nila ang hirap na dinaanan nila para matuloy lang ang kanilang concert noong Disyembre.

Bukod kina Mia at Sunshine, kasama sa mga producers sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, at Aifah Medina.

May inamin pa nga si SexBomb Mia sa harap ng House of Honorables. Aniya, “Bilang mga first-time iniisip namin baka [walang manood], kasi siyempre ang tagal namin wala na sa showbiz 'di ba?

“Hindi naman sa showbiz, I mean 'yung SexBomb ang tagal na namin nanahimik, ang dami ng sumikat na girl group at iba't ibang grupo. So, parang kami, may takot na baka wala nang manood, baka wala nang mag-produce sa atin.

Nahirapan din ang SexBomb Girls na makakalap ng sponsors dahil na rin natapat ang kanilang show sa huling buwan ng taon.

Paliwanag ni Mia, “Better, tayo-tayo na lang, ambag. So, talagang 'yung group chat namin nag-post kami dun gusto n'yo ba mag-reunion?

“Lahat sila nag-yes. Sino sa atin ang gusto mag-produce? Tapos dun na kami nag-okay ako, siya okay siya. Hanggang sa 'yun lima kami nag-okay. Tapos, ito 'yung money, eto lang 'yung mag-gagastos natin for the concert ganiyan. Sige, try natin lumapit sa mga sponsors. E, pero parang that time kasi, parang late na rin, kasi December. So, gets naman namin kasi siyempre December normally lahat ng pera ng mga company nakalabas na. Siyempre, 13th month pay, 14th month pay and everything.”

Ibinahagi rin ni Mia kina Madam Cha at Vice Chair Buboy na nakaranas pa sila na may may nang ghost sa kanila para ico-produce ang "Get Get Aw!" reunion concert.

Kuwento ni Mia sa nangyari, “Tapos, naghahanap kami ng co-prod (production) namin. May nakausap tapos biglang wala, ghinosting kami.”

Sabat ni Sunshine sabay tawa: “Pati ba naman doon?"

Hirit ni Mia, “Hanggang ba naman sa pagpo-produce nago-ghosting kami? So, wala, parang okay. So, paano mangyayari?

“Sige, kaya natin 'to, push! Sabi nga namin, mantra nga naming sabi nga ni Ate Rochelle na 'ˈSing galing, pero hindi ˈsing mahal.'

Natanong sina Mia at Sunshine ni Chariz na: “Kung nandito, nakikinig sa inyo ngayon 'yung mga nang ghosting sa inyo na producers, ano sasabihin n'yo?

“It's your loss. Wow! Hello, RaWnd Five!” diretsahang sagot ni Mia sa Your Honor host.

Natatawang dugtong ni Sunshine: “Kami nga pala 'yung pinakawalan n'yo.”

RELATED CONTENT: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever