
Sinagot ng isa sa OG SexBomb dancers na si Mia Pangyarihan ang tanong ng TV host na si Boy Abunda kung siya na nga ba ang pinakamayaman sa kanilang grupo ngayon.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, nakapanayam ni Boy si Mia at kaibigan nito na dati ring SexBomb dancer na si Sunshine Garcia.
“Mia, ikaw daw ang pinakamayaman [sa SexBomb]?” tanong ni Boy.
Agad naman itong itinanggi ni Mia. Aniya, “Hindi ko nga alam, Tito Boy, napanood ko nga rin po 'yung mga interview na 'yan hindi ko alam kung saan nila nakukuhang ako 'yung pinakamayaman.”
Paliwanag niya, “Siguro kasi nga Tito Boy parang 'yung business ko ngayon is marami ng branch yung Yoshimeatsu nga. Baka kaya akala nila ang yaman-yaman-yaman ko na.”
“Ang 'yaman-yaman,' pero ang yaman ko na?” paglilinaw na tanong ni Boy kay Mia.
“Mayaman ako Tito Boy kasi bawal daw sabihin na hindi tayo mayaman. Mayaman tayo sa lahat ng bagay,” nakangiti namang sagot ni Mia.
Dahil dito, pabirong humirit si Sunshine kay Mia, “Friend, baka naman.”
Samantala, noong December 2023, nagkaroon naman ng Christmas party ang ilang miyembro ng orig SexBomb Girls kasama sina Mia, Sunshine, Rochelle Pangilinan, Aifha Medina, Jopay Paguia-Zamora, at CheChe Tolentino.
RELATED GALLERY: Ilang orig SexBomb Girls, mommies na ngayon!