
Ilang celebrities ang naapektuhan ng bagyong Carina noong Miyerkules, July 24, at isa na dito ang batikang aktor na si Michael De Mesa.
Sa Instagram, nag-post si Michael ng photo at video kung saan idinetalye niya ang kanyang sitwasyon. Sa video, sinabi ng aktor na nag-pack-up na sila mula sa shooting ng 2:30 p.m. at pauwi na sana siya. Ngunit dahil sa ulan ay binaha ang ilang kalsada na dinaanan niya sa Cainta, Rizal.
“Packed up at 2:30 pm and have been stranded here for 5 hours. The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier,” caption niya sa kanyang post.
“It's nighttime now, and I haven't eaten. I guess we definitely shouldn't have gone to work today,” pagtatapos niya sa kanyang post.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NANAWAGAN NG TULONG PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYO NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO:
Sa sumunod niyang post ngayon, July 25, sinabi ni Michael na stranded na siya ng 17 oras simula nang umuwi siya mula sa taping.
“Naiiyak na ako. The tow truck can't get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home,” sabi niya.
Nag-iwan naman ng mensahe ang asawa ni Michael na si Julie sa comments ng kanyang post. Noong nakaraang gabi, sinabihan niya ang asawa na maghanap ng makakainan at sinabihan itong “be safe.”
Sa post ni Michael kanina, komento ni Julie, “Praying you'll be home soon, my love. Hang in there.”
Ilang celebrities din ang nagpahatid ng kanilang prayers at kanilang kahilingan na makauwi ng matiwasay si Michael, kabilang na sina Eula Valdez, Bela Padilla, Iza Calzado, at Jasmine Curtis-Smith.
Tingnan ang post ni Michael dito: