GMA Logo Euwenn Mikaell, Michael De Mesa, and Eula Valdes in 'Forever Young'
Photo by: euwenn_mikaell (IG); eulavaldes (IG)
What's Hot

Michael De Mesa at Eula Valdes, sumalang na sa taping ng 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published April 4, 2024 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell, Michael De Mesa, and Eula Valdes in 'Forever Young'


Silipin ang ilang behind-the-scenes ng batikang mga aktor na sina Michael De Mesa at Eula Valdes sa taping ng 'Forever Young' dito.

Sumalang na sa taping ng upcoming inspirational drama series ng GMA na Forever Young ang batikang mga aktor na sina Michael De Mesa at Eula Valdes.

Kapwa kabilang sina Michael at Eula sa cast ng Forever Young, na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.

Nagsimula ang taping ng Forever Young noong February 16, na idinidirehe nina Gil Tejada Jr. at Rechie Del Carmen.

Sa Instagram, ipinasilip ni Euwenn ang ilan sa mga emosyonal na eksena kasama ang batikang aktor na si Michael De Mesa. Ano kaya ang magiging ugnayan ng karakter ni Michael sa batang aktor?

Isang post na ibinahagi ni Ako si Wenyo (@euwenn_mikaell)

Samantala, ipinakita rin sa Instagram ng batikang aktres na si Eula Valdes ang ilang behind-the-scenes sa taping ng Forever Young.

Isang post na ibinahagi ni @eulavaldes

Isa sa mga dapat na abangan sa serye ay ang maiinit na tapatan ng dalawang batikang aktor na sina Michael at Eula.

Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo (Euwenn), isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Makakasama rin sa serye sina Nadine Samonte, Alfred Vargas, Rafael Rosell, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at James Blanco.

Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: