GMA Logo Michael Sager, Kate Valdez
What's on TV

Michael Sager gives glimpse of one of his memorable scenes in 'Shining Inheritance'

By Dianne Mariano
Published December 20, 2024 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte decries plunder, graft raps filing as 'fishing expedition', cover-up for corruption
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Sager, Kate Valdez


Marami ang kinilig sa tambalan nina Michael Sager at Kate Valdez bilang sina Euan De La Costa at Inna Villarazon sa GMA Afternoon Prime series na 'Shining Inheritance.'

Kilig vibes ang hatid ng Kapuso actor na si Michael Sager sa kanyang latest social media post kasama ang Shining Inheritance co-star na si Kate Valdez.

Ibinahagi ni Michael ang ilang larawan ng eksena nila ni Kate sa recent episode ng serye kung saan na-stranded ang kanilang mga karakter na sina Euan De La Costa at Inna Villarazon sa isang isla. Ayon sa aktor, isa ito sa mga hindi niya malilimutang eksena sa serye.


Makikita sa comments section na kinikilig ang netizens sa tambalan nina Michael at Kate dahil anila'y mayroong chemistry ang dalawa.

PHOTO COURTESY: Michael Sager (Facebook)


Matatandaan sa recent episode ng Shining Inheritance na na-stranded sina Euan at Inna sa isla matapos isalba ng una ang dalaga nang mahulog ito sa dagat

Habang nasa isla, tila hindi na napigilan ni Euan ang kanyang nararamdaman para kay Inna kaya buong loob na niyang inamin ito sa dalaga.


Subaybayan ang Shining Inheritance tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.