
Itinuturing ang Born to Shine actor na si Michael Sager na isa sa mga next-gen na leading man. Bukod kasi sa pagiging bahagi ng GMA Afternoon Prime musical drama series, nagsilbing na ring leading man na rin ang aktor sa My Ilonggo Girl at Shining Inheritance.
“Nakakatuwa naman po that people see it that way, that we're gonna be the next leading man kasi it's always been my dream and the reason why I started in showbiz. Alam mo 'yun, to one day achieve that goal of being a leading man,” sabi ni Michael.
Aminado rin si Michael na sa recognition na ito, nakakaramdam na siya ng pressure.
Pero paglilinaw niya, “It's still a pressure that I really appreciate. Siguro 'yung type of pressure that will continue to motivate me to work harder, to keep on improving every day, especially sa mga projects na ibibigay sa 'kin,” sabi ni Michael.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA STYLISH LOOKS NI MICHAEL NA NAGBIBIGAY NG LEADING MAN ENERGY SA GALLERY NA ITO:
Ibinahagi rin ni Michael na para sa kaniya, ang pagiging isang leading man ay hindi lang para sa telebisyon o on-screen. Sa halip, ugali rin ito na dapat niyang i-embody off-cam.
“You know, the leadership skills of a leading man is so important and siguro din ngayon, sa generation na 'to, iba 'yung showbiz in a sense na dumadami ang mga platforms natin. As we can see, we are all digital now, online,” sabi ni Michael.
Sa ngayon ay masaya si Michael sa suporta at pagmamahal na natatanggap mula sa fans.
“I just want to continue showing, especially the younger generation, what we should be like, hindi lang sa mga serye, platform na ibibigay sa 'min,” sabi ng aktor.
Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.