
Isa sa mga kaabang-abang na serye ng GMA Network ay ang upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.
Related gallery: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference
Sa katunayan, nagsimula na ang taping para sa nasabing serye at makikita sa social media ang ilang behind the scenes ng cast sa kanilang set.
Ibinahagi ng Kapuso actor na si Michael Sager sa Instagram story ang larawan kasama ang kanyang co-stars na sina Kate Valdez, Kyline Alcantara, at Wendell Ramos.
“Team shining!” sulat niya sa photo.
PHOTO COURTESY: michaelsager_ (IG)
Nag-post din si Michael ng behind the scenes photo ni Kate na may caption na “innaaa.”
PHOTO COURTESY: michaelsager_ (IG)
Sa isang panayam, ibinahagi ni Michael ang kanyang preparasyon para sa gagampanan niyang karakter sa serye.
"For [the] preparation of this show, talagang I promised myself to keep the depth sa character ko. Gusto ko ipakita 'yung journey niya throughout the show and talagang invested sa story," aniya.
Samantala noong Pebrero, umani ng mahigit two millions views ang TikTok video nina Kyline, Kate, kasama ang kanilang Shining Inheritance co-star na si Roxie Smith kung saan kumasa sila sa “Marikit Sa Dilim” trend.
@itskylinealcantara3 Shining Inheritance girlsss✨♥️
♬ original sound - Hulio
Abangan ang Shining Inheritance soon sa GMA.