
Nakisaya sina Shining Inheritance stars Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas, at Michael Sager sa It's Showtime kamakailan at naghatid ng pangmalakasang performance sa stage.
Nagkaroon na ng guest appearance noon sa noontime variety show sina Kyline at Paul habang first time naman na mag-perform nina Kate at Michael.
Ayon kina Kate at Michael, natutuwa sila sa kanilang experience na makapag-perform kasama ang kanilang co-stars.
“First time ko pong mag-perform dito, it's a fun experience. Thank you po,” ani Kate.
Dagdag ni Michael, “Ako rin po first time ko and I just want to say, grabe napakasaya dito, grabe 'yung energy. I'm so thankful to be here.”
Tinanong naman ni Karylle ang Kapuso stars kung kumusta ang bonding nila sa set ng Shining Inheritance.
“Nagpa-plastikan po kami doon,” biro ni Kyline.
Ani naman ni Michael, “Sa set po, talagang parang pamilya talaga kami. Tapos itong promo na ito, first time naming magkakasama. Tawa lang kami nang tawa, just like on set."
“At saka, siyempre po, ibang klase din talaga na may gumagabay sa amin which is si Tita Coney [Reyes] po. Isang karangalan po talaga,” dagdag ni Kyline.
Labis din ang pasasalamat ni Kyline sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanilang pinagbibidahang serye.
“Gusto ko namin magpasalamat sa lahat ng sumusuporta ng Shining Inheritance. Galing po sa puso namin, sa lahat ng mga Kapuso na nanonood, maraming maraming salamat po. And mas iinit pa po ang aming mga labanan. Ngayon nag-uumpisa pa lang po kami,” aniya.
Ayon pa kay Kyline, dapat abangan ng mga manonood ang unang pagkikita ng kanyang karakter na si Joanna De La Costa at role ni Kate na si Inna Villarazon.
Subaybayan ang Shining Inheritance tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO: