Article Inside Page
Showbiz News
Paniguradong babaha ng katatawanan at panalong guest stars ang mapapanood ninyo ngayong Friday night dahil kasama sa nagconceptualize ng anniversary episode ng 'Bubble Gang' ay ang veteran comedian at host na si Michael V.
BY AEDRIANNE ACAR

Dapat abangan ang special episode ng
Bubble Gang sa darating na Biyernes, dahil isang special anniversary episode ang handog ng number one gag show ng bansa na magdiriwang ng kanilang 19th year on-air.
Paniguradong babaha ng katatawanan at panalong guest stars ang mapapanood ninyo ngayong Friday night dahil kasama sa nagconceptualize ng anniversary episode ng
Bubble Gang ay ang veteran comedian at host na si Michael V.
Ayon sa mga Kababol natin na sina Juancho Trivino at Diego, ang utak at puso ng
Bubble Gang ay si Bitoy, dahil nakikita nila ang 200% dedication ng Kapuso comedian sa show.
Para sa former
Villa Quintana star na si Juancho, secret weapon daw nila si Michael V. at itinuturing niyang masuwerte siya na maging part ng programa dahil nakakatrabaho niya ang mga comedy genius ng bansa.
“Ang sikreto behind
Bubble Gang success is Michael V. simple lang naman, napakagaling ni Kuya Bitoy and siyempre nabubuhat niya ‘yung show.”
“I feel blessed masayang-masaya ako na part ako nung
Bubble Gang at natuturuan kami nila Kuya Bitoy [Michael V], nila Kuya Tonio [Antonio Aquitania], Kuya Pao [Paolo Contis]. Ayun and may regular work ako, that’s really a blessing for me”
Dagdag pa ni Diego, isa pang veteran cast ng show, na wala ang
Bubble Gang, kung wala ang leadership ni Michael V. na gumagabay sa kanila every step of the way.
“Si Bitoy kasi hardworker siya talaga, so ‘yung puso niya at saka isip nasa show. Mahal niya ‘yung show, alam niya ‘yung ginagawa niya at saka genius siya talaga. So kumbaga kapag wala na si Bitoy, wala na ang
Bubble Gang ‘yun ‘yung palagay ko ha.”
Don't miss the 19th anniversary of
Bubble Gang this Friday before
Saksi.