
Walang dapat malungkot sa mga fan ng multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto matapos umere ang kanilang season finale episode noong May 29.
Nauna nang inanunsyo ng mga bid ana sina Michael V. at Manilyn Reynes na pansamantala silang magkakaroon ng season break.
Kung matatandaan ninyo, nagkaroon din ng season break ang comedy show noong March 2012 at kaagad din silang bumalik sa TV ng Setyembre ng parehong taon.
Bago natapos ang episode nitong Sabado, may iniwang pahayag sina Pepito at Elsa na tila pahiwatig sa mga susunod na mangyayari.
Heto ang buo nilang pahayag:
Pepito: "Sa lahat ng mga naging followers ng Pepito Manaloto sa loob ng sampung taon, hindi po namin kayang tapusin ang program nang hindi nagpapasalamat sa inyo.
"Kaya in behalf of everyone na bumubuo sa programang ito, maraming, maraming, maraming, maraming, salamat po. Thank you for being part of the Manaloto family at kasama ko ngayon si Elsa (Manilyn Reynes), may bagong kuwento."
Elsa: “Oo, 'di ba!”
Pepito, “Oh sige, kuwento mo na."
Elsa: “Ikaw na!"
Pepito: “Ito naman ikaw mahilig sa kuwentuhan. Hindi joke lang, joke lang. Ah, basta abangan n'yo.”
Sa idinaos na media conference ng Pepito Manaloto para sa kanilang season break, nabanggit ni Direk Bitoy sa entertainment writer na si Nathalie Tomada ang hinahanda nilang prequel sa beloved Kapuso sitcom.
Kuwento niya, “We won't actually call it a next season--it's a transitional season.
“Kasi, this tackles the life of Pepito and Elsa, when they were young.
“Bago pa sila naging sila, dito mae-explore 'yung buhay nila at kung ano 'yung pinagdaanan nila.
“At kung ano 'yung naging values, kung bakit sila ganito ngayon.”
For more updates sa exciting new adventure na ito nina Pitoy at Elsa, please visit GMANetwork.com!
Related content:
Michael V., nilinaw ang mangyayari sa 'Pepito Manaloto' after May 29