GMA Logo Michael V
Source: michaelbitoy (IG)
What's on TV

Michael V., may pasilip sa bagong parody song sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published July 12, 2023 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 20, 2026
Awarding Ceremony sa mga Nakadaog sa Sinulog Grand Parade 2026, Gipahigayon | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V


May aabangan na naman tayo sa beshy ko!

Matapos ang successful airing ng Sunday night episode ng Bubble Gang nitong July 9, may hinahanda na agad na sorpresa ang award-winning comedian at content creator na si Michael V. para sa kanilang loyal fans.

Sa kanyang Instagram account, may intriguing post na ito sa gagawin niyang parody song sa flagship gag show ng GMA-7.

Sabi niya sa caption, “Oh Wow”… (Hilaw) Soon… #BBLGang.”

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Kahit ang mga Kapuso stars na sina Arthur Solinap at Abot-Kamay na Pangarap actress Denise Barbacena ay napakomento sa post ng ace comedian.

Looking forward din ang netizens at fans ni Bitoy sa pasabog niyang parody song. Matatandaang umani ng papuri at million views ang parody song niya na "Gusto Ko Nang Bumigay" na napanood sa gag show noong November 2022.

Samantala, hindi kayo mabibitin sa second Sunday night episode ng Bubble Gang dahil siksik na naman sa comedy at good vibes ang hatid ng ating mga Kababol!

Tutukan ang pagganap ni Sparkle actor EA Guzman bilang superhero sa sketch na "Super Mamshie" at matawa sa sketch na gagawin naman nina Michael V. at Chariz Solomon tungkol sa isang ventriloquist.

Gawing best day ever ang panonood tuwing Sunday sa pagtutok sa Bubble Gang sa oras na 6:00 p.m., bago ang Happy ToGetHer.