
Katatapos pa lamang ng two-part summer special ng pambansang comedy show na Bubble Gang, pero may hinahanda na agad na big surprise ang award-winning comedian na si Michael V. na tiyak aabangan ng lahat!
Sa post ni Direk Bitoy sa Facebook, may ipinakita siya na ukay-ukay finds na 'tila pahiwatig sa mangyayari sa episode ng iconic gag show sa May 17.
Sabi ni Michael V., “AHOY! May nahanap akong album sa ukay-ukay! Gusto n'yo bang marinig?”
Hindi matatawaran ang galing at husay ni Michael V. sa pagpapatawa at paggawa ng musika.
Nitong mga nagdaang taon, ginawan niya ng parody version ang mga pinasikat na kanta ng bandang Lola Amour at Dilaw.
Nag-viral din ang kulit version niya ng "Salarin, Salarin", na inspired sa hit song ng P-pop queens na BINI na "Salamin, Salamin".
RELATED CONTENT: Michael V.'s viral parody songs that you need to listen to