
Patok na patok ang bagong pakulo na ito ng GMA News and Public Affairs sa TikTok. Dahil bukod sa netizens na aspiring reporters, pati mga sikat na artista, kumasa na rin sa challenge.
Kung pinusuan n'yo na ang entries nina Xian Lim, Luke Conde at 'Las Hermanas' actress na sina Thea Tolentino at Faith Da Silva, siguradong magugustuhan n'yo rin ang entry ni Kapuso Comedian Michael V.
Gamit ang warp filter at city lights background, nag-a la reporter si Bitoy habang binabasa ang news headlines na nasa teleprompter. At ang twist, ikinabit niya dito ang isang scene sa kaniyang pelikula na Family History.
@bitoystory 24 ORAS x FAMILY HISTORY #BitoyStory
♬ original sound - Michael V. BitoyStor - Michael V. BitoyStory
Iba rin ang gimik ng social media influencer at ngayon ay Miss Universe Philippines candidate na si Ayn Bernos sa kaniyang video entry. Suot ang sexy red dress, nag-a la Chika Minute reporter si Ayn gaya ng showbiz reporter na si Aubrey Carampel.
@aynbernos #duet with @24oras my look screams Chika Minuuuute!
♬ original sound - 24 Oras
May nakakatuwang entry din ang online sensation na si Ms. Everything na hirap masundan ang script sa teleprompter.
@ms.everythingvlog #duet with @24oras abangan sa chika menits😙 #hieverything #mseverythingvlogs #toledoangel
♬ original sound - 24 Oras
Sa ngayon, nasa mahigit 35 million views na ang #24OrasChallenge sa TikTok. Dumarami pa ang mga netizens at celebrities na kumakasa sa challenge.
Kung gusto mo ring subukan ang ibang level na pagbabasa ng balita, hanapin lang ang #24OrasChallenge sa TikTok at baka ikaw na ang susunod na maging 24 Oras reporter!