
Mahalaga sa multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. na maibahagi sa mga kabataan ang kanyang natutunan sa ilang taon niya sa showbiz.
Sa bago niyang vlog entry na 'Bitoy Story 28,' ikinuwento ni Direk Bitoy na pangarap niya ang maging teacher din.
Saad ng Kapuso star, “Actually pangarap ko rin talaga 'yan simula nang makapasok ako sa industriya.
“Doon sa mga hindi nakakaalam, I am a graduate of Mass Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (P.L.M).”
May malaki daw kasing pagkakaiba ang mga natutunan niya sa college sa kanyang actual experience.
“Being here in the industry, gusto ko rin mai-share sa mga Mass Comm students 'yung sistema ng showbiz dito sa Pilipinas. Iba kasi 'yung natutunan ko sa college dun sa actual na na-experience ko doon sa mga projects ko.
“In a way gusto ko mamulat 'yung mata ng mga estudyante doon sa mga dapat nilang i-expect kung sakaling interesado silang gawin 'yung mga ginagawa ko.”
WATCH: Michael V., pinag-usapan ang isyu ng racism sa kanyang latest vlog
LOOK: Michael V ecstatic about GMA's much-awaited 'Voltes V Legacy' live adaptation