
Sandalan ngayon ng award-winning comedian at content creator na si Michael V. ang misis niyang si Carol “Ayoi” Bunagan habang nagpapagaling siya mula sa COVID-19.
Sa kanyang Bitoy Story vlog na inupload noong July 20, kinumpirma ng Kapuso comedian na nag-positibo siya sa coronavirus matapos magpa-test.
At bilang pasasalamat ni Direk Bitoy sa suporta at pagmamahal na binibigay sa kanya ni Ayoi, may special shoutout ang Pepito Manaloto star para sa kanyang asawa sa Instagram.
Aniya, “Ganitong pag-aalaga ang magaling magpagaling.
“Thank you for taking care of us @ayoito.
“We love you!”
Napa-react naman sa sweet post ni Bitoy ang mga katrabaho niya sa Pepito Manaloto na sina John Feir at Arthur Solinap.
Tumatayo din bilang manager ni Michael V. si Carol, na executive producer din ng production company nila na Mic Test Entertainment.
Ipinagdiwang naman ng dalawa noong Abril ang kanilang 26th wedding anniversary.
Michael V., positibo sa COVID-19
Paano nahawa si Michael V. ng COVID-19?