
Kahit abala sa kaniyang showbiz engagements, tuloy pa rin si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa kaniyang adbokasiya sa autism awareness.
Nitong Linggo, April 26, naganap ang Angels Walk for Autism na isinagawa ng Autism Society Philippines sa Pasay na dinaluhan ni Michelle, ng kaniyang ina na si Melanie Marquez, at ng dalawa pa niyang mga kapatid.
Sa report ni Athena Imperial sa "Unang Balita" para sa Unang Hirit, sinabi ng dating beauty queen na naging mas makabuluhan ang kaniyang kaarawan ngayong taon dahil sakto sa birthday weekend niya ang naturang advocacy walk.
"I've worked with the Autism Society Philippines for so many years also, so to see it grow every year and for us to exceed our own expectations, siyempre nakakataba ng puso. I mean, that's all I ever wanna do every year; it's to celebrate growth not just within myself, but everything that I support also," sabi ni Michelle.
Kung noong mga nakaraang taon ang layunin ng ng Autism Society of the Philippines ay awareness at acceptance para sa mga may autism, ngayon ay gusto nilang magkaroon ng aksyon para maisabatas na ang magagandang serbisyo para sa kanila.
Ayon kay Autism Society of the Philippines chair emerita na si Dang Koe, ilan sa mga serbisyong makakatulong sa mga kababayang nasa autism spectrum ay diagnosis, therapy, at maging employment sa mga kumpanya.
"Kaya po du'n sa bill na 'yun, kung ito po ay maisapabatas, lahat po ng ahensya ng gobyerno ay hinihingan ng plano kung paano po i-a-address ang pangangailangan ng lahat ng Pinoy na nasa autism spectrum," sabi ni Koe.
Bukod sa kaniyang adbokasiya, ibinubuhos din ni Michelle ang kaniyang panahon sa mga proyekto.
"Sa social media, siyempre everybody has the capacity to say anything and hide behind dummy accounts or faceless accounts with just the purpose to hurt somebody. Pero, I've always said, throughout my showbiz career, that I only listen to opinions that matter, people that I know have the best interest at heart for me and everyone working on this project," sabi ng aktres.
Panoorin ang panayam kay Michelle rito:
KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA MAY LUBOS NA PAGMAMAHAL SA KANILANG PAMILYA NA MAY SPECIAL NEEDS SA GALLERY NA ITO: