
Isang bagong awit ang inihanda ni beauty queen, model, and actress Michelle Dee.
Source: michelledee (IG)
Pinamagatan itong "Makatanong" at nagbigay si Michelle ng maikling preview ng chorus nito sa kanyang Instagram account.
Ilalabas ang full version ng kanta, pati lyric video at music video nito sa April 24.
Maari din itong i-presave sa Spotify, Apple Music, Deezer, at iba pang major streaming platforms.
Ang "Makatanong" ay ang follow up niya sa debut single na "Reyna" na inilabas niya noong nakaraang taon. Umabot ang kanta sa top 4 ng Spotify Viral Songs sa Pilipinas.
Samantala, kamakailan lang ay naging bahagi si Michelle ng Bench Fashion Week.
SILIPIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA RUMAMPA PARA SA BENCH FASHION WEEK DITO: