
Nakisaya at bumisita ang Kapuso actress at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee sa It's Showtime ngayong Biyernes (April 25).
Sa naturang episode ng noontime variety show, ipinamalas ni Michelle ang kanyang talento sa pag-awit at sayaw nang i-perform ang debut single niyang "Reyna."
Bukod dito, binati rin ng It's Showtime family ang Kapuso star dahil ipinagdiwang nito ang kanyang 30th birthday kamakailan. Ikinuwento rin ni Michelle kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan.
"Workaholic po kasi ako. Naniniwala ako kapag birthday mo, kapag new year, at saka new year for your age, dapat nagtatrabaho para productive lang for the rest of the year." aniya.
Ang debut single ni Michelle na "Reyna" ay ang kauna-unahang collaboration ng GMA Network's GMA Music at ABS-CBN's Star Music.
Noong Marso, inilabas ang music video ng "Reyna" sa YouTube channel ni Michelle Dee at tampok dito ang kanyang ina na si Miss International 1979 Melanie Marquez at pinsan na si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez.
Ayon kay Michelle, ang kanyang debut single ay "all about confidence, self-love, and owning your crown."
RELATED GALLERY: Photos of Michelle Dee that prove she is the ultimate poganda icon
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.