GMA Logo Michelle Dee
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang'gre, michelledee IG
What's on TV

Michelle Dee sa 'Sang'gre' fans: 'Iba talaga magmahal ang Encantadiks'

By Kristine Kang
Published June 26, 2025 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Dee


Labis ang pasasalamat ni Michelle Dee sa mga tumangkilik kay Hara Cassandra.

Mas umiinit na ang labanan sa mundo ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Ngayong gabi, darating ang bagong panganib sa mundo ng Encantadia sa paglusob ng mga mandirigma mula sa Mine-a-ve.

Kasabay nito, excited na ang viewers sa inaabangang laban nina Mitena at Cassandra na ginagampanan nina Rhian Ramos at Michelle Dee.

Sa kanyang panayam kay Nelson Canlas para sa 24 Oras, labis ang pasasalamat ng Kapuso beauty queen sa mainit na suporta ng netizens sa kanyang karakter.

Aminado si Michelle na ibang klaseng fulfillment ang naramdaman niya ngayon, lalo na't na-challenge at mas na-explore niya ang kanyang acting skills.

"Iba talaga magmahal ang Encantadiks and alam natin na malalim ang hugot nila sa every character that comes out," pahayag niya. "I have nothing but my gratitude to the network of course for the trust to play that."

Maliban sa inaabangang tapatan nila sa serye, kinagiliwan din ng netizens ang behind-the-scenes moments nina Michelle at Rhian. Lalo na ang kanilang “Bato-Bato Pik Digmaan”!

Suot ang kanilang war costumes, hinarap ni Michelle si Rhian sa isang nakatutuwang showdown sa mismong trono ng Lireo.

"Isang tagumpay na dapat itala sa kasaysayan!" caption ng beauty queen sa kanyang post

"Puwede ba, ganito na lang ang digmaan? 'Yung tipong walang kailangang mamatay?" dagdag ni Michelle.

@mmd Isang tagumpay na dapat itala sa kasaysayan!! 👋🏼❤️‍🔥✌🏻 Puwede ba, ganito na lang ang digmaan? 'Yung tipong walang kailangang mamatay? ☠️ #mitena #cassandra #rhianramos #michelledee #mmd #sanggre #encantadia ♬ original sound - Encantadia: Sang'gre

Samantala, patok din sa netizens ang pagganap ni Michelle bilang ang matapang at tila raw malditang Hara Cassandra. Maraming memes at fan edits ang kumalat online. May ilan pa ngang naiinis na kay Cassandra sa ginawa niya sa pamilya ni Danaya (Sanya Lopez).

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang ikawalong na episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, dito: