
Hindi maitago ni Sparkle star Michelle Dee ang saya nang i-perform ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates ang hit single niya na 'Reyna' para sa 'The Big Carnival' event.
Ibinahagi ni Michelle ang kaniyang reaction video sa TikTok sa full performance ng housemates na sina Klarisse De Guzman, AZ Martinez, Xyriel Manabat, Mika Salamanca, at Shuvee Etrata.
Si Klarisse ang pangunahing kumanta ng awitin, habang background voice at dancers naman ang ibang housemates.
Kasama rin niya sa video ang kapwa Kapuso star na si Rhian Ramos na pinuri ang housemates at sinabing “Ang gaing n'yong lahat.”
“DEE-stiny's Child, baby,” sabi naman ni Michelle.
Dagdag pa ng dating Miss Universe Philippines 2023, “Thanks, Ate Klang, when you see this, I love you, thank you.”
Matatandaan na naging houseguest sa Bahay ni Kuya si Michelle noong April lung saan naka-bonding niya ang kapwa blondies na sina Klariesse at Esnyr. Sa katunayan, bumuo pa sila ng grupo na tinawag nilang “DEE-stiny's Child.”
Ang 'Reyna' naman ang debut single ni Michelle, isang kanta na may uplifting and empowering na mensahe para sa mga kababaihan. Inilabas niya ang awitin noong March 7, kasabay ng Women's History Month.
Paliwanag ni Michelle tungkol sa awitin, “It's finding everything that people call ugly in you but it's up to you to find the beauty in that. That's not just beauty queens, not just drag queens, but everyone that feels like that they are in their own right, a reyna also.”
Sa ngayon ay grateful lang ang dating beauty queen sa suportang natatanggap ng kaniyang debut single. Sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda sa May 5 episode, ibinahagi niyang pinaghahandaan na rin niya ang ikalawang single.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGING HOUSE GUEST NA SA BAHAY NI KUYA SA GALLERY NA ITO: