
Ibang-iba raw ang role ni Kapuso actor Miggs Cuaderno sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters kaysa sa mga nakaraan niyang mga karakter.
Gaganap siya sa serye bilang Petersen, ang panganay na anak ng mahusay na Filipino-Chinese businesswoman na si Lily Chua, karakter naman ni Aiko Melendez.
"Siya 'yung black sheep or 'yung basagulero sa pamilya. Siya 'yung pariwara. We can see how it progresses sa story kasi kung sa office may problema na si Lily, si Ms. Aiko, sa bahay, ako 'yung problema niya. 'Yung ang masusubaybayan natin throughout the story and maraming mangyayari pa," pahayag ni Miggs sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Naninibago raw siya sa karakter niya dahil madalas siyang ma-cast bilang mabait na anak o kaya naman bunsong anak noon.
"Actually, nagkausap kami ni direk Joey Reyes about this. Sabi ko sobrang iba 'to sa roles ko dati. I'm the good child dati, the good boy. Ngayon ako 'yung eldest, dati kasi ako 'yung bunso tapos mabait. Ngayon, ang mga scenes ko lasing ako, may hangover," kuwento ng aktor.
Aminado rin si Miggs na naninibago siya sa role na ibinigay sa kanya.
"Sabi ko, wow, paano ko 'to gagawin? First time na lasing ako sa mga scenes. It's a challenge, pero challenge accepted naman. Kinakaya," paliwanag niya.
Itinuring daw ito ni Miggs bilang mas mature na role na sakto naman sa kanyang edad.
"Hala, mature na 'ko, 18 [years old] na 'ko. Na-feel ko po bigla na 18 na 'ko," natatawang kuwento ni Miggs.
Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya-kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.
Bukod kina Aiko at Miggs, bahagi rin ng serye sina Beauty Gonzales, Thea Tolentino, Angel Guardian, at marami pang iba.
Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE RITO: