
Miggs Cuaderno will play the role of Apolinario Dela Cruz, Apple for short.
By AL KENDRICK NOGUERA
Pagkatapos gampanan ni Kapuso child actor Miggs Cuaderno ang batang role ni Ken Chan sa Destiny Rose, sa ikalawang pagkakataon ay gaganap siyang muli bilang isang bading sa upcoming Telebabad show na Poor Señorita.
READ: Miggs Cuaderno to Ken Chan: 'Kuya Ken, huwag kang ma-pressure'
"Sobrang saya po at saka itong role ko rin, ganoon rin po kagaya sa Destiny Rose. So medyo challenging po pero hindi ko na naman po first time [mag-portray] ng bakla, pangalawa ko na rin po," pahayag niya.
Kuwento ni Miggs, nahihirapan pa rin daw siya umarte bilang isang bading hanggang ngayon. Aniya, "Mahirap para po sa 'kin kasi ginagaya ko po 'yung ibang tao. So kailangan ko pong maghanap ng peg, kailangan ko siyang aralin. Siyempre pag-aaralan ko rin po 'yung role ko, kung paano ko siya gagawin so medyo mahirap po."
"Apple po [ang nickname ng character ko] kasi 'yung full name ko po ay Apolinario Dela Cruz. Cousin po ako ng mga batang yagit. Ako 'yung nagpapatawa lagi sa kanila sa kahit ano mang sitwasyon. Kahit nakakaiyak na, nagpapatawa pa rin ako," pagpapakilala ni Miggs sa kanyang role.
Dahil gay ang kanyang role, kailangan daw niyang makisalamuha sa mga bading. "Hindi naman po ako naninibago sa bakla. Marami na naman po akong nakikitang mga bakla. Okay naman po, friendly po sila [at] nakakatawa. Tinitignan ko po sila kumilos eh, kung paano po sila umaarte," ani Miggs.
Sa huli, hindi raw problema kay Miggs kung sunod-sunod ang gay roles na ibinibigay sa kanya dahil itinuturing niya itong challenge sa kanyang pagiging aktor.