GMA Logo Migs Villasis
What's Hot

Migs Villasis, gustong makatrabaho ang idolong si Dingdong Dantes

By Aimee Anoc
Published October 28, 2021 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Migs Villasis


"Sobrang hanga talaga ako sa akting n'ya." - Migs Villasis

Isa si Migs Villasis sa pinakabagong aktor ng GMA at noon pa man ay pangarap na niyang maging isang Kapuso.

A post shared by Miguel Villasis (@migsvillasis)

Noong Setyembre, kabilang si Migs sa 'Signed for Stardom,' ang biggest contract signing event ng GMA Artist Center kung saan nagsama-sama ang ilang bago at loyal na Kapuso artists.

Sa press interview noong Lunes, ibinahagi ni Migs na pangarap niyang makatrabaho si Primetime King Dingdong Dantes. Inamin din nito na isa si Dingdong sa paborito niyang aktor.

"Base sa mga napanood kong movies ni Dingdong, talagang idol. Sobrang hanga talaga ako sa akting n'ya," pagbabahagi ni Migs.

A post shared by Miguel Villasis (@migsvillasis)

Noong 2020, isa si Migs sa bida ng boy's love series na 'In Between,' kasama ang bagong Kapuso actor na si Kimson Tan. Ang nasabing boy's love series ang kauna-unahang lead role ng aktor.

Samantala, mas kilalanin pa si Migs Villasis sa gallery na ito: