
Napa-OMG ang fans at netizens sa incredible body transformation ng versatile Kapuso actor na si Miguel Tanfelix para sa bagong niyang GMA Prime series na Taskforce Firewall.
Gagampanan ni Miguel ang role bilang Galo na isang former soldier at napasok sa isang misyon para puksain at mapigilan ang paglaganap ng cybercrime cases.
Napansin ng netizen ang isang photo ni Miguel nang mag-post siya ng update sa Instagram noong May 18 at dito makikita na finilex ng Sparkle actor ang kaniyang biceps.
Maraming celebrities at fans ang napa-comment sa 'extra hot' photo ng Taskforce Firewall star.
Hirit pa ni Jeff Moses sa comment section, “Miguel “Batak” Tanfelix.”
Ang iba pa naman nag-post ng fire emojis sa comment section ng post.
Bibida rin sa bagong action-packed series ang Kapuso Action Drama Actress na si Kylie Padilla, Jak Roberto, Kyline Alcantara, Buboy Villar, Lexi Gonzales, at marami pang iba.
Abangan ang world premiere ng Taskforce Firewall sa May 25, sa oras na 8:55 p.m. pagkatapos ng The Master Cutter.
RELATED CONTENT: Celebrities show off their biceps