GMA Logo Miguel Tanfelix and Joyang
What's Hot

Miguel Tanfelix at Banana Queen Joyang, kumasa sa SB19's 'DAM' dance challenge

By Aimee Anoc
Published March 31, 2025 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Joyang


Panoorin ang nonchalant at no facial expression na pagsayaw nina Miguel Tanfelix at Joyang sa "DAM" ng SB19 dito.

May nakatutuwang entry ang Banana Queen na si Joyang kasama ang Mga Batang Riles actor na si Miguel Tanfelix sa "DAM" dance challenge ng SB19.

Sa TikTok, ipinakita ni Joyang ang pagkasa nila ni Miguel sa "DAM" dance challenge pero nonchalant at walang facial expression. Sulat niya, "Kidlat and Banana in 35% DAM energy."

Kuha ang video habang nasa taping si Joyang para sa primetime series na Mga Batang Riles.

@joyang.tv Kidlat and Banana in 35% DAM Energy ⚡️🔥🤣 #MgaBatangRiles @Miguel Tanfelix #SB19DAM #BananaQueen #Bananafam @SB19 Official @Yani de Dios @PABLO ♬ DAM - SB19

Bukod kay Miguel, gumawa rin ng TikTok videos si Joyang kasama ng Mga Batang Riles lead stars na sina Kokoy de Santos at Anton Vinzon.

@joyang.tv Kaldageh Kulot 🧑🏻‍🦱🤣 @Kokoy de Santos #MgaBatangRiles ⚡️ #BananaQueen #Bananafam ♬ original sound - AMPOYPOGI😎
@joyang.tv Nadale si Dagul dun ah 🤣 #MgaBatangRiles @ANTON VINZON @Miguel Tanfelix @Kokoy de Santos #BananaQueen #Bananafam ♬ original sound - GMA Network

Napapanood si Joyang bilang Miss P sa Mga Batang Riles.

Abangan ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI JOYANG SA GALLERY NA ITO: