GMA Logo Miguel Tanfelix at Kylie Padilla
What's on TV

Miguel Tanfelix at Kylie Padilla, 'good cop, bad cop' sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published May 16, 2026 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH gaming revenues down 15.87% in Q1 2026
Carlos Yulo to join multiple competitions in the coming months
Public urged to conserve electricity as stable power supply yet to return

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix at Kylie Padilla


Inilarawan nina Miguel Tanfelix at Kylie Padilla ang kanilang mga karakter sa 'Taskforce Firewall.'

Bibida ang Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Kylie Padilla sa upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Iikot ang serye sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.

Image Source: gmanetwork (Instagram)



Si Miguel ay si Galo, retired na sundalo at combat specialist ng grupo. Gaganap naman si Kylie bilang Isa, isang mahusay na strategist at lider ng task force.

Ayon kay Kylie, may "good cop, bad cop" dynamic daw ang kanilang mga karakter sa serye. Ibig sabihin nito, isa sa kanila ang malumanay ang approach habang agresibo naman atake ng isa para malutas ang isang problema.

Tila sinasalamin naman nito ang ugnayan nila bilang co-stars sa serye. Nagbahagi si Kylie ng isang behind-the-scenes video nila ni Miguel sa set.

"I asked @migueltanfelix_ if he could moonwalk kasi nasa Michael fever ako ngayon, di kaya on the floor haha. Abangan nyo GOOD COP BAD COP tandem namin sa TASKFORCE FIREWALL! MAY 25 na ," sulat ni Kylie sa caption ng kanyang post.

"basta good cop ako ah hahahaha," comment ni Miguel.

"tologo baaa. Sige kwento mo yan ehhh haha ," sagot naman ni Kylie.

A post shared by kylie padilla ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)


Kapansinpansin din na ang video ni Kylie ay kinunan sa loob ng Chapel of St. Pancratius sa La Loma Cemetery in Caloocan.

Ang chapel ang magsisilbing headquarters ng kanilang grupo sa serye. Isa ito sa mga exciting na detalyeng masisilip mula sa unang teaser na inilabas ng programa.



Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO: