GMA Logo Miguel Tanfelix and Kylie Padilla
Source: migueltanfelix_ (IG)
What's on TV

Miguel Tanfelix at Kylie Padilla, nag-arcade habang naka-cosplay

By Marah Ruiz
Published July 27, 2026 5:29 PM PHT
Updated July 27, 2026 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Marcos urges informal sector to make contributions to SSS, Pag-IBIG
Balitang Bisdak: July 27, 2026 | Livestream
Personalities and ensembles that stole the spotlight at SONA 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Kylie Padilla


Naglaro ng arcade games sina Miguel Tanfelix at Kylie Padilla habang suot ang Pagaspas at Amihan costumes nila.

Nostalgic para sa mga telefantasya fans ang parating na episode ng tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Mag-a-undercover kasi ang cybercrime team sa isang cosplay convention para hulihin ang isang child predator.

Kaya naman muling naisuot ng lead stars na sina Miguel Tanfelix ang Kylie Padilla ang iconic costumes nila mula sa beloved telefantasya series na pinagbigahan nila.

Magbibihis bilang Pagaspas mula sa Mulawin ang karakter ni Miguel na si Galo, costume naman ni Sang'gre Amihan ng Encantadia ang suot ng karakter ni Kylie na si Isa.


Aliw na aliw ang dalawa sa pagkakataong maisuot ulit ang kanilang costumes.

Sa isang maikling video na ibinahagi ni Miguel sa Instagram at siya namang ni-repost ni Kylie, makikita ang paglibot nila sa isang arcade suot ang costumes.

Naglaro sila ng mga shooting games, whack-a-mole, at sinubukan ang swerte nila sa claw machine.

"Si Amihan at Pagaspas 'pag day off

"Sbangan mamaya sa #TaskforceFirewall," saad ng caption ng post.

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)




Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.