
Ipinasilip ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Kylie Padilla ang isa sa kanilang makapigil-hiningang stunts para sa upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Sina Miguel at Kylie mismo ang nag-rappel mula sa 15th floor ng GMA Network para sa isang eksena sa serye.
Isa ito sa mga exciting na detalyeng masisilip mula sa unang teaser na inilabas ng programa.
Ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram account ang kuha ng rehearsal nila para sa eksena.
Makikita ditong naghahanda sila kasama ang mga safety officers at stunt coordinators habang suot ang helmets at mga harness.
Focused sina Miguel at Kylie sa pakikinig sa instructions bago nag-rappell pababa ng building.
"All stunts were performed with precision and safety -
"So… yeah we did that. This was a once in a lifetime experience na mag rappel pababa ng 15th floor ng GMA for our show TASKFORCE FIREWALL.
"Yes no doubles, 4 takes. After a while birds eye view is quite calming after the initial kaba of first being that high from the ground. This stunt was also a great bonding exercise para samin ni Miguel since sya partner ko as a PBI officer.
"These things I am absolutely grateful for sa trabaho ko. Na maexperience ang kakaibang buhay sa labas ng private life ko at ang masasabi ko lng ang angas mo Isa.
"ABANGAN TASKFORCE FIREWALL MAY 25 NA," sulat ni Kylie sa caption ng kanyang post.
Nagbahagi rin si Miguel ng sarili niyang video mula dito.
Makikita naman dito ang series director na si Rico Gutierrez na chini-cheer sina Miguel at Kylie bago nila gawin ang stunt.
Desidido ang dalawang aktor na gawin ang sariling stunt kahit na kabado.
"Okay, good take! We got it. Let's go home," biro ni Miguel.
Matapos makinig sa mga paalala, unti-unti na silang lumundag pababa habang may kasabay na rappelling expert.
Medyo bumaliktad si Miguel pero agad ding nakabawi at gumawa pa ng Spider-man pose noong nasa baba na.
"Every mission comes with a thrill… and rappelling the GMA main building is the most thrilling… yet.
"Good job to us, partner! @kylienicolepadilla
"Taskforce Firewall this coming May 25!" sulat naman niya sa Instagram.
Ang Taskforce Firewall ay tungkol sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Si Miguel ay si Galo, retired na sundalo at combat specialist ng grupo. Gaganap naman si Kylie bilang Isa, isang mahusay na strategist at lider ng task force.
Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO: